Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay taon-taong nakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month. Nakasaaad sa Executive Order no. 137, may petsa Agosto 10, 1999 na ang buwan ng Hulyo taon-taon ay itinakda bilang National Disaster Consciousness Month. At batay naman sa Executive Order (EO) No. 29, s, 2017 ang pag rename sa National Disaster Consciousness Month to National Disaster Resilience Month, at ito ay nag focus mula sa Disaster Awareness Building to Disaster Resilience. Isa sa mga programa itataguyod na gawain ng Pamahalaang Panlalawigan sa NDRM ay ang Bulacan: La…