Ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay taon-taong nakikiisa sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.
Nakasaaad sa Executive Order no. 137, may petsa Agosto 10, 1999 na ang buwan ng Hulyo taon-taon ay itinakda bilang National Disaster Consciousness Month. At batay naman sa Executive Order (EO) No. 29, s, 2017 ang pag rename sa National Disaster Consciousness Month to National Disaster Resilience Month, at ito ay nag focus mula sa Disaster Awareness Building to Disaster Resilience.
Isa sa mga programa itataguyod na gawain ng Pamahalaang Panlalawigan sa NDRM ay ang Bulacan: La Niña Rescue Challenge.
Ito ay isasagawa sa pakikipag-ugnayan sa Office of Civil Defense Region III kaagapay ang mga ahensya ng Bureau of Fire Protection, Department of Health, Philippine Army at Philippine Coast Guard.
Matutunghayan sa nasabing Rescue Challenge and Collapsed Structure Search and Rescue, Water Search and Rescue at Mountain Search and Rescue at Incident Command System.
Layunin nito na mapalakas ang kakayahan at kapasidad ng Lalawigan at buong Rehiyon III sa pagtugon sa ibat-ibang mga rescue incidents. Dagdag pa rito ay mapapatibay din ang ugnayan at samahan ng mga rescue teams.