Isa sa mga gawain ng Bulacan PDRRMO na nakapaloob sa pag gunita ng Fire Prevention Month ay ang pangunguna sa Lingguhang pagtataas ng watawat sa unang Lunes ng Marso. Pagkatapos ng banal na misa ni Rev. Msgr. Pablo S. Legaspi ay nagkaroon ng blessings ng mga bagong kagamitan at sasakyan ng PDRRMO na pinangunahan ng ating mahal na Governor Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alexis C. Castro kasama ang mga panauhing pandangal na si DILG Assistant Secretary Florencio M. Bernabe Jr. at Regional Director ng Bureau of Fire Protection Region 3 na si FCSUPT. Roy Roderick P. Aguto layunin nito na mas mapataas ang antas ng pagsagip ng buhay at ari-arian ng mga Bulakenyo sa panahon ng sakuna o emergency. Inilahad din sa nasabing programa ng Local DRRM Officer ng Bulacan na si G. Manuel M. Lukban Jr. ang mga nakahain ng gawain ng PDRRMO. Ipinakilala din ang mga bagong nagsipagtapos ng Basic/Advance Fire Fighting with Hazmat Training na ginanap sa Olongapo City gayundin ang mga Bulacan Fire Fighters Volunteers mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.