March 29, 2023
Ang 1st Quarter PDRRMC Meeting ay ginanap noong Marso 29, 2023. Dumalo sa nasabing pulong ang Chairman ng PDRRMC na si Gob. Daniel R. Fernando, Vice Chairman on Rehabilitation and Recovery na si Gng. Arlene G. Pascual, Kinatawan ng Vice Chairman on Response na si G. Jay Mark P. Chico, mga miyembro nito at ang OIC – Local DRRM Officer na si G. Manuel M. Lukban, Jr., PDRRMC Secretariat na maiulat ang mga katagumpayan na mga aktibidad ng PDRRMO at mga katuwang na tanggapan. Inilahad rin ang mga gaganaping gawain at layunin para sa paparating na quarter na may kinalaman sa Disaster Risk Reduction and Management. Tinalakay din ang nakatakdang gawain para sa darating na Semana Santa kung saan ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng PDRRMO ay magtatalaga ng Provincial Assistance Desk para sa Oplan Semana Santa 2023. Pinangunahan ito ng PDRRMO katuwang ang Bulacan PNP, BFP, mga NGOs at iba pang ahensya upang matiyak ang ligtas na paglalakbay ng lahat ng Bulakenyo ngayong Semana Santa. Gayundin ay inaprubahan ang kahilingan ng PDRRMO, Provincial Agriculture’s Office at PSWDO ukol sa pondo/gastusin ng tanggapan ay makasama sa igagawa na resolusyon upang mai-charge sa Trust Fund ng LDRRM Fund para sa taong 2022.